2nd QUARTER NATIONAL SIMULTANEOUS EARTHQUAKE DRILL (NSED) 2025, ISINAGAWA SA SABANG ELEMENTARY SCHOOL
- 112583 Sabang Elementary School
- Jun 23
- 1 min read
Hunyo 19, 2025 | Matagumpay na isinagawa ang National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) sa Sabang Elementary School bilang bahagi ng paghahanda sa mga posibleng sakuna tulad ng lindol. Ito ay nilahukan ng mga guro at mga mag-aaral.
Ang NSED ay idinisenyo upang mapataas ang kamalayan at paghahanda ng mga mag-aaral at guro sa mga dapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng lindol. Sa pamamagitan ng drill na ito, masasanay ang mga mag-aaral at guro sa mga wastong pamamaraan ng paglikas at pagtugon sa mga emergency situation.
Ayon sa Department of Education (DepEd), ang NSED ay isasagawa kada quarter ng taon, partikular sa mga petsang Marso 13, Hunyo 19, Setyembre 11, at Nobyembre 6, 2025. Layunin ng aktibidad na ito na masiguro ang kahandaan ng mga paaralan at opisina ng DepEd sa mga posibleng sakuna.
Ang Sabang Elementary School ay patuloy na nagsasagawa ng mga aktibidad tulad ng NSED sa pangunguna ng Punong Guro, Gng. Vilma E. Flores, upang masiguro ang kaligtasan at kahandaan ng mga mag-aaral at guro sa mga emergency situation.
Stay safe!

Comments