top of page

Early Registration para sa SY 2023-2024, Sinimulan Na

Updated: May 22, 2023

Sinimulan na ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang early registration para sa paparating na Kindergarten, Grades 1, 7, at 11 na mag-aaral sa mga pampublikong paaralan simula Mayo 10 hanggang Hunyo 9, 2023.


Sa lumabas na kautusan kamakailan, binigyang-diin ng DepEd na ang lahat ng paparating na mag-aaral na mapapatala sa Kindergarten at Grades 1, 7, at 11 sa lahat ng pampublikong elementarya at sekondarya na paaralan ay mag-pre-register o sumali sa maagang pagpaparehistro upang bigyang pagkakataon ang Kagawaran na makagawa ng kinakailangang mga preparasyon at pagsasaayos ng mga plano para sa darating na SY.


Sa kabilang banda, ang paparating na Grades 2-6, 8-10, at 12 na mag-aaral mula sa mga pampublikong paaralan ay kinokonsidera na pre-registered at hindi na kinakailangang sumali sa early registration. Sa mga pribadong paaralan, sila ay hinihikayat na magsagawa ng kani-kanilang aktibidad para sa early registration na kapareho sa itinakdang panahon.


Para sa isasagawang early registration, hinihikayat ang face-to-face na transaksyon sa mga paaralan, ngunit maaari pa rin nilang ipagpatuloy ang iba pang paraan para sa koleksyon ng registration forms. Pangungunahan ng mga Schools Division Superintendents at School Heads ang mga advocacy campaign sa kani-kanilang nasasakupan at maghihikayat sa mga Out of School Children (OSC) at magulang/guardians ng mga prospective na mag-aaral na sumali sa early registration.

Dagdag pa rito, iniuutos ng polisiya sa lahat ng mga pampublikong elementarya at sekondaryang paaralan na mag-update o mag-encode araw-araw sa Early Registration facility sa Learner Information System (LIS) gamit ang school head o administrator account.


Gagamitin naman ng mga paaralan ang mga print o electronic copies ng Basic Education Enrollment Form (Revised as of March 27, 2023) para masiguro na ang mga kinakailangang impormasyon sa pagrerehistro ng mga paparating na mag-aaral sa Kindergarten, Grades 1, 7, at 11, at iba pang datos ay maayos na nakuha.


Dagdag dito, maaari ring mag-encode ang mga paaralan sa Early Registration facility, ang mga prospective enrollees para sa iba pang mga grade level (Grades 2-6, 8-10, and 12) base sa nakaraang school enrollment upang makuha ang kabuuang inaasahang enrollees para sa susunod na enrollment.



23 views0 comments

Recent Posts

See All

Opmerkingen

Beoordeeld met 0 uit 5 sterren.
Nog geen beoordelingen

Voeg een beoordeling toe
Anchor 1
bottom of page