top of page

Tanael at Babasa, Panalo sa Ikalawang Puwesto

Updated: May 22, 2023

Muli na namang ipinamalas ng ating mga mag-aaral ng Sabang ES Del Gallego District ang husay at angking talino matapos na kapwa manalo sa ginanap na Pampurok na Patimpalak sa Muling Pagkukuwento at Interpretatibong Pagbasa na ginanap noong ika-12 ng Mayo sa Del Gallego Central School.


Nanalo ng ikalawang puwesto si Jester Tanael, mag-aaral ng Ikatlong Baitang, para sa Muling Pagkukuwento. Ang kanyang tagasanay ay ang kanyang gurong tagapayo Gng. Maria Christina M. Hernandez.


Nanalo din ng ikalawang puwesto si Bea C. Babasa, mag-aaral ng Ika-anim na Baitang, para sa sa Interpretatibong Pagbasa. Ang kanyang tagasanay ay si G. Nolbert A. Uy.


Tuwang-tuwa ang kanilang mga guro, mga magulang, ang Pampaaralang Taga-ugnay sa Filipino Gng. Marianne S. Rufo at ang Punungguro ng Paaralan, Gng. Vilma E. Flores sa kanilang ipinakitang husay sa larangan ng Filipino.


Mula sa Sabang ES 112583 Del Gallego District Congratulations!


6 views0 comments

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
Anchor 1
bottom of page